12:01 am

Posted: March 10, 2009 in Uncategorized

i’m supposed to be going home by now. but i chose to stay until 3am, i need to finish some reports.

don sa kabilang parte ng opisina, nagtitsismisan sila. minabuti ko na lang na makinig ng music sa iTunes.

HOMECOMING. matagal na yata akong walang time dito sa blog. naging busy kasi ako sa maraming bagay. by august, may homecoming ang high school class ko sa bicol. and as expected, they gave me the task to organize the homecoming. i was so busy contacting the lost guys. and so far, madami na akong nacontact. some of our classmates abroad are going home to attend the event. time runs too fast, parang kelan lang nang pumapasok akong naka-grey pants and white polo. ten years na pala since i graduated in high school.

MIGS. nag-email si migs kanina. he said someone is texting him, telling him offensive words like he’s a bitch and so on. he didn’t bother about it, he said he knew he has not done anything wrong to anyone. but i was hurt, migs doesn’t deserve such kind of offense. kung ako siguro tawaging bitch, ngingiti lang ako at magrireply ako ng “i used to be, but not anymore”.

napapansin ko nasasanay na akong kila migs natutulog pag sunday. minsan pag paalis na ako every sunday, sinisimangutan na ako ni mama. hindi niya lang siguro ako mapagalitan pero parang ayaw niya sa routine ko. sana kaya kong sabihin kay mama na may kakaibang happiness akong nakukuha doon. honestly, kapag katabi ko siyang natutulog, feeling ko nasa heaven ako. para akong bata na tuwang-tuwa na katabing matulog ang paborito niyang stuff toy.

last sunday, wala naman talaga akong balak pumuntang antipolo (kila migs). pero nong nagtext si migs na namimiss niya yong mga away namin, bigla ko rin siyang namiss. alam ko naman hindi ung mga away namin ang namimiss niya, ako lang yon. nahihiya lang siyang aminin na di siya sanay na wala ako sa kanila pag sunday. hehe! at doon nga ulit ako sa kanila natulog. nag-dvd marathon muna kami hanggang maya-maya ay naghihilik na siya.

nagising ulit siya at bumangon. nagluto pala ng instant noodles with egg. kumain kami ng niluto niya, instant noodles lang yon pero ewan ko ba at sarap na sarap ako. syempre si migs yon eh.

SA JEEP. coding yong van na naghahatid kay migs sa office kaya 5am pa lang ready na kami to take off. si migs going to his office, ako naman going home at 3pm pa ang pasok ko. after magbreakfast, naglakad na kami papuntang sakayan ng jeep. habang nasa jeep, tinititigan ko siya at natatawa ako. tinanong niya ako kung baket, sabi ko wala lang.. ang totoo, hinalikan ko siya habang natutulog siya, tinest ko lang kung gano kapowerful ang kiss ko. unfortunately di siya nagising..

12:41 na pala. inaantok na ako. parang gusto ko nang umuwi…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s