
ako na talaga ang official “invitation card” maker ng mga makukulit kong pamangkin, hehe! tuwing may birthday, binyag, at kung anu-ano pa, ako palage ang in charge… it’s okay, masaya naman eh. basta for my makukulit, game ako.
ilang araw na lang binyag na ni shane. ngayon ko lang nagawa invites niya, sorry naman, busy kasi. at sa day mismo na yon, ako na naman ang gaganap na “chef cook”, “official photographer” at “waiter”, ano pa? huhuhu!
when it comes to handaan, malaki ang trust sakin ng mga kapatid ko. alam nila na hindi ko ipapahiya ang party nila. naks! kaya confident sila na sa bahay na lang ang reception kasi they’re in my good hands. whoa! hehe!
since maiksi lang ang preparation, nagplan na ako ng menu list for sunday. usually sa bahay pag may handaan, palageng nagagahol sa oras, i realized ‘yong mga niluluto kasi namin masyadong matatagal iprepare. so ito na lang ang mga naisip kong lutuin:
Caldereta. di nawawala ‘to, paborito ko kasi, hehe! pero not beef kasi wala kaming pressure cooker, matagal magpalambot, ribs na lang instead.
Lumpiang Shanghai. sa mga handaan, ito ung mga mabenta sa guests kasi di mahirap kainin. nilista ko na rin ‘to kasi pwede na ‘tong iprepare sabado pa lang, at di naman matagal magfry nito.
Bicol Express. alam mo na ‘yan, san ba kami galing?
Seafoods Stew. naglista kasi ako ng tahong sa wet items ng bibilhin, nakita ni mama at nagobject na naman, alam niya kasi na baked tahong ang balak ko. matrabaho daw, oo nga naman, so sabi dagdagan na lang ng crab, clams, and shrimp para stew na lang, madali lang lutuin.
Chinese Style Chicken. bago lang ‘to, for a change. parang natrauma kasi ako sa fried chicken noong birthday ni taks, nakulob kasi ung chicken kaya parang iba ‘yong lasa, puno kasi ref namin kaya nasa labas lang, ayoko na maulit yon.
Squid Misono. madali lang din gawin ‘to. at pwedeng pulutan na rin.
Carbonara. lunch ‘yon pero gusto ni hazel ng carbonara. nasarapan siya sa carbonara ko nong birthday ko. di lang siya, lahat ng kumain. hehehe!
Chicken Salad. for dessert. siguro dadagdagan ko na rin ng maja tropicana, o di mo alam ‘yan! hehe!
‘yan lang, di naman ‘to engrandeng okasyon eh. ang importante masarapan at mag-enjoy sila sa nakayanan namin. good luck to me!
(after kay shane, tatakbo ako kay rixa dahil ninong nya din ako, kawawa naman kung di ko sisiputin… haaay)