It took me a long time to post about it. well lately, when i came back from vacation, i was really having hard time to do extra stuff while in the office. so i didn’t bother blogging at all.
so here we go.
we were in bohol last week. i was with migs and his parents. it was planned couple of months back and i was really happy it happened.
sobra akong nag-enjoy. syempre i was with a good company. ang cool ng parents ni migs (tita mau and tito rudy). pagdating sa bohol, sa antequera kami tumuloy, sa bahay ni uncle dimoy ni migs. ang warm ng reception. nagkatay sila ng baboy, kaya halos ma-high blood ako, mahilig ako sa taba eh.. yucks!
antequera is more than 2 hours ride from tagbilaran city. nakakapagod, pagdating mo don, sasakay pa ng habal-habal (motor) papuntang barrio. pagdating namin sa bahay ni uncle dimoy, nawala lahat ng pagod ko. pano kasi ang ganda ng lugar. ung bahay nila, napapaligiran ng trees, and the yard was covered with bermuda grass. ang sarap ng hangin, hihilingin mo talaga na sana ganun ang atmosphere dito sa manila.
pagdating na pagdating namin sa antequera, nagyaya agad kami ni migs na puntahan ung sikat na falls. pero bago pa namin napuntahan un, na malapit lang din sa place nila, bumaba muna kami sa may sapa malapit lang sa bahay ni uncle dimoy.
ang sukal ng lugar, typical na bundok talaga. nakakasugat ang mga damo. at dalawang beses akong bumagsak sa sobrang dulas ng putik. ilang araw ko ring naramdaman ung sakit sa may buto ko sa pwet. nahulog rin ako sa sapa, di halos makatawa si migs nang makita niya akong basang basa, huli kasi ako.
pero wag ka, pagdating namin sa baba, namangha kami sa nakita namin. isang magandang water fall na di pa nadidevelop. syempre naligo agad kami. nakakatakot nga lang pumunta sa gitna, kaya sa gilid lang kami ni migs natampi-tampisaw.
ang home town naman ni tita mau (mama ni migs) is valencia. around 2 hours din from tagbilaran, so from antequera, mga 4 hours kaming bumiyahe papunta doon. sulit din kasi nice beaches ang nadaanan namin. at sa likod mismo ng bahay ng pinsan ni migs ay dagat na. ang sarap sana maligo kaso tanghaling tapat kaya nagpicture-picture na lang kami…
ang saya namin ni migs. ayaw na sanang pumunta ng chocolate hills ng mama niya kasi malayo daw masyado yon, pero dahil sa kakulitan namin, napapayag namin na pumunta pa rin ng chocolate hills. naghabal-habal lang kami papunta carmen bohol, doon ang chocolate hills matatagpuan.
ang saya. iba talaga pag nandon ka na sa lugar at napapanood mo ung wonder with your naked eyes. lumaki ako sa tabi ng mayon volcano, so i tought walang thrill kung makita ko man sa wakas ang chocolate hills. pero mali ako. in fact pagdating sa tuktok ng site, wala na akong magawa kundi magtake ng pictures at mag-wow habang nakasmile…
syempre di pwedeng di kami makakita ng tarsier…

the whole trip was fun and exciting. andami naming napuntahan. andami kong nakain (na kilawin). andami kong bagong experience na di ko makakalimutan hanggang pagtanda ko.. naks! ang drama.
thanks migs for the great vacation. thanks tita mau and tito rudy, sana next year sa province naman namin tayo magbakasyon..






















paul.. tagal kita hinanap hehe.. musta na friend miss na kita as in.. add mo ko sa facebook
take care!